Connect with us

Alituntunin para makaiwas sa Delta variant,  kailangan nang higpitan

Hinimok ng mga senador ang pamahalaan na magpatupad ng mga alituntunin sa pagkontrol ng pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant sa bansa.

National News

Alituntunin para makaiwas sa Delta variant,  kailangan nang higpitan

Hinimok ng mga senador ang pamahalaan na magpatupad ng mga alituntunin sa pagkontrol ng pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant sa bansa.

Sa ayon sa Department of Health (DOH), 35 na ang kabuuan ang kaso ng Delta variant sa bansa kung saan walo rito ay mga aktibong kaso at tatlo na ang namatay.

Ayon kay Sen. Nancy Binay dalawang bagay ang dapat na mahigpit na pagtuunan ng gobyerno, .ito ay ang ating mga boarder control  at ang hindi pagcollapse ng health care system ng bansa.

Punto ni Binay na ang pagpasok ng Delta variant ay lalong magpapahirap sa ating health system at mga healthworkers.

Napagalaman na ang isang taong tinamaan ng Delta varinat ay maaring makapanghawa ng apat hanggang walong tao ayon sa DOH

Sa isang pahayag, sinabi Sen. Nancy Binay, “Malapit na tayo sa tipping point. Hindi lang naman COVID ang concern ng lahat ngayon–we are already full with other things beyond our control. The rising COVID cases continue to strain hospitals, and the new variants will definitely put more stress on our already overburdened public health system.”

Ayon naman kay Sen. Sonny Angara, kailangang maregulate ang mga taong pumapasok sa mga establisyamento para macontain ang naturang COVID-19 variant.

Sinabi naman ni Sen. Sonny Angara, “Ang importante is private establishments regulate number of persons in their spaces like shops, gyms, buildings, etc. Otherwise, the Delta variant will spread quickly indoors.”

Sinabi rin ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na dapat ng ipagbawal ang mga aktibidad na hindi naman essential, at patuloy na ipatupad ang Stay at home policy.

Ibinahagi din ni Sen. Koko Pimentel, “Dapat ang guiding principle natin is “essential”. General rule: stay at home. Exception: go out only for essential activities. Always remember: wear mask and keep distance.”

 

 

More in National News

Latest News

To Top