Connect with us

Alert level 4, idineklara na ng DFA sa Myanmar dahil sa pagtaas ng Delta variant cases

Idineklara na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level 4 sa Myanmar dahil sa pagtaas ng mga kaso ng Delta variant ng COVID-19 doon.

National News

Ibig sabihin, pinalilikas na pauwi ng Pilipinas ang mga Pilipino na nasa naturang bansa.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Philippine Ambassador to Myanmar Eduardo Kapunan Jr. na mayroon silang naka-iskedyul na chartered flight pauwi ng bansa sa Agosto 3 kung saan 59 na mga Pilipino ang unang batch na uuwi.

May nakatakda rin aniya silang dalawa pang repatriated flights sa agosto para sa susunod na batch ng mga Pilipino na uuwi mula Myanmar.

Sinabi ni kapunan na batay sa kanilang record, mayroon 500 Filipino sa Myanmar.

More in National News

Latest News

To Top