Connect with us

Alegasyon ni Pacquiao sa SAP distribution ng DSWD, sinopla ng ahensya

Pinatitignan ng kampo ni Manny Pacquiao ang rason kung bakit nagpapamudmud ng pera ang boksingero.

National News

Alegasyon ni Pacquiao sa SAP distribution ng DSWD, sinopla ng ahensya

Pinabulaanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang claims ni Senator Manny Pacquiao na may nangyayaring katiwalian sa pamamahagi ng ayuda.

Sa budget deliberation sa komite para sa P189. 1 B na proposed budget ng DSWD sa 2022, sumentro sa isyu ng pamamahagi ng ayuda o Social Amelioration Program (SAP) ang naging tanong ng mga senador.

Naging isyu kasi sa mga ito kung bakit ang Star Pay ang nakakuha ng mas malaking alokasyon para sa cash aid distribution ng DSWD kaysa Gcash o Pay Maya.

Si Senator Manny Pacquiao, sinabi na sa kabila na nalulugi ang Star pay noong 2019 ay ito pa aniya ang mas pinagkatiwalaan ng DSWD.

Matatandaan na isa ang DSWD sa pinaratangan ng senador bilang kurap na ahensya bago ito lumipad ng Amerika para sa kaniyang laban kay WBA Welterweight Champion Yordenis Ugás.

Pero ayon naman sa DSWD ang Star Pay lamang ang nakapag-commit na maibibigay nito ang lahat ng cash aid sa mga uri ng benepisyaryo bagay na hindi aniya nagawa ng mga kilalang provider.

Paliwanag pa ni Atty. Katrina Grace Ongoco, OIC Director ng DSWD na maging ang allocation na para sa RCBC ay nalipat sa Star Pay dahil sa limitasyon sa bahagi ng RCBC.

Ang ibang senador gaya ni Sen. Francis Pangilinan ay inihambing ang pagpili ng DSWD sa Star Pay sa ginawang pag-award ng kontrata ng PS-DBM sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Matatandaan na naging kwestyonable sa Senate Blue Ribbon Committee na sa Pharmally naaward ang mahigit P8-B halaga ng kontrata ng paggawa COVID 19 medical supplies sakabila  na mayroon lamang itong mahigit na 600,000 na kapital.

May nabanggit din si Senator Manny Pacquiao na mga pangalan gaya ng  Uy at Lao sa naging distribution partner ng DSWD.

Pero giit ng DSWD walang kinalaman at hindi rin po nakikipag engage ang DSWD sa Pharmally.

Si Sen. Pacquiao sinabi pa na mayroon aniyang 11B na pondo ang SAP na idineposito ng DSWD sa isang private bank na kung saan ay nagbabayad pa ng interes ang pamahalaan para dito.

Bagay na pinabulaanan ng DSWD at sinabing dumidiretso lamang sa Landbank ang lahat ng deposits ng payroll ng ayuda mula sa ahensya.

Hindi rin aniya nagbabayad ng interes ang gobyerno para dito.

Ang senador nagpupumilit pa rin sa kaniyang claims, pero ng tanungin naman ito ni Sen. Imee Marcos kung anong private bank ang tinutukoy ni Pacquiao ay hindi naman makasagot ang senador.

Sinabi pa nito na sa ilalim ng Bayahinan 2 ay sinabi ng DSWD na 80 % na ang na ibigay para sa SAP.

Para aniya sa mga reklamo at grievances ay mayroong hanggang October 15 ang mga regional offices para ito ay maayos.

Sa ngayon ay mayroon na lamang mahigit P1 bilyon ang hindi pa naipapamahagi mula sa mahigit P20-B halaga ng refund o naisauli ng Star Pay at ng iba pang provider.

Sinabi naman ng DSWD na naging matagal ang distribution dahil sa mga  sabay na records ng mga beneficiary.

Salik din aniya ang kawalan ng mga ito ng maayos na contact number para sa digital payment.

 

More in National News

Latest News

To Top