Connect with us

Aktor na si Jake Cuenca, sinampahan na ng kaso

Magpapatupad ng pagtatama at pagdidisiplina ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga tauhan

National News

Aktor na si Jake Cuenca, sinampahan na ng kaso

Magpapatupad ng pagtatama at pagdidisiplina ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga tauhan.

Ito ay matapos ang insidente sa Mandaluyong City kung saan tinamaan ng ligaw na bala ang isang food delivery driver nang habulin ng mga pulis ang sasakyan ng aktor na si Jake Cuenca.

Ayon kay Eleazar, humihingi sila ng paumanhin sa driver at tiniyak na sasagutin ang gastusing medikal ng biktima.

Sinabi ni Eastern Police District (EPD) Director Police Brigadier General Matthew Bacay na nananatiling stable ang kondisyon ng grab driver na tinamaan ng ligaw na bala.

Igagalang din aniya nila ang anumang desisyon ng driver sakaling magsampa ng reklamo laban sa mga pulis.

Ipinag-utos na ni Eleazar sa Eastern Police District (EPD)  ang pagsailalim sa restrictive custody ng mga pulis na sangkot sa insidente.

Sinampahan narin ng kaso ng Mandaluyong Police sa Prosecutor Office si Jake Cuenca.

Partikular sa kasong isinampa laban kay Cuenca ay reckless imprudence resulting to damage to property at disobedience to person in authortiy.

Pinabulaanan naman naman ng mga pulis na mayroong nangyaring settlement dahilan para mapalaya ang aktor noong linggo.

More in National News

Latest News

To Top