Umabot sa 637 pagyanig ang naitala ng DOST-Philvolcs sa palibot ng Bulkang Taal sa nakalipas lamang na 24 oras.

Aktibidad ng Bulkang Taal, bahagya pang humina

National News

Bahagya panghumina ang aktibidad ng Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Batay sa 8am bulletin ng PHIVOLCS, nakapagtala lamang ng 41 volcanic earthquakes ang Taal Volcano kumpara sa 65 volcanic earthquakes kahapon.

Humina rin ang ibinibuga nitong usok na ngayon ay nasa 50 hanggang 100 metro na lang ang taas.

Mababa na rin sa instrumental detection ang inilalabas nitong sulfur dioxide.

Sa ngayon, nananatiling nakataas ang alert level 2 sa bulkan.