Connect with us

Babaeng pulis na nagpaputok ng baril noong bisperas ng bagong taon, sisibakin

Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas ang agarang pagsibak sa isang babaeng police sergeant na nahuling sangkot sa indiscriminate firing sa Malabon City noong bisperas ng bagong taon.

National News

Ayon kay Sinas, inatasan na niya ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na ipatupad ang mabilis na summary dismissal proceedings laban kay staff sergeant karen borrome.

Sinabi ng PNP chief na ipinag-utos sa kanila ni DILG Secretary Año na ipatupad ang kaparehong procedure para masibak ang pulis sa loob ng 30 araw.

Si Borromeo ay nahuli ng mga pulis na nagresponde sa ulat ng mga residente ukol sa putok ng baril sa kanilang lugar.

Nagnegatibo naman ang babaeng pulis sa iligal na droga at alak pero nagpositibo sa paraffin.

More in National News

Latest News

To Top