Connect with us

AFP, sinabing nananalo sa laban vs internal threat groups

Ipinagmalaking inulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nananalo sila sa laban kontra sa iba't-ibang internal threat groups.

National News

AFP, sinabing nananalo sa laban vs internal threat groups

Ipinagmalaking inulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nananalo sila sa laban kontra sa iba’t-ibang internal threat groups.

Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff Gilbert Gapay sa laging handa public briefing kung saan mahigit 7,000 na aniya ang na-nuetralize nilang mga myembro ng New People’s Army (NPAs).

“I am proud to report that the AFP is winning the war against the various threat groups,” saad ni Gapay.

Ang tala ay simula noong Enero taong kasalukuyan at karamihan sa mga NPA na ito na may bilang na 6,600 ay nag-surrender.

Inireport pa ni Gapay na 1,991 ang nasawi sa mga armed encounters, at 250 naman ang na-apprehend.

Maliban dito, sobra 1,500 na armas ang nakalap ng mga sundalo.

Sa pakikipagbakbakan naman ng nito sa Abu Sayyaf Group (ASG) simula January hanggang December 4 ngayong taon, 187 ang kanilang na-neutralize at 134 na firearms ang nakalap.

Sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) naman, may 232 na na-neutralize mula Enero at 193 firearms ang nakakalap.

Habang sa Maute Group na sumalakay sa Marawi noong 2017, 61 ang na-neutralize sa kanilang hanay at 52 firearms.

Kaugnay nito, inilahad ni Gapay na tuluy-tuloy ang kanilang operasyon laban sa iba’t-ibang internal threat groups at unang-una aniya rito ang Communist party of the Philippines o CPP-NPA na patuloy pa rin nilang tinutugis.

More in National News

Latest News

To Top