Connect with us

AFP, mamahagi ng libreng housing unit sa 100 rebelde sa Zamboanga

Naniniwala ang pamunuan ng AFP na makakamit lamang ang kapayapaan at kasaganaan sa lahat ng komunidad sa bansa sa pamamagitan ng malayang ugnayan.

National News

AFP, mamahagi ng libreng housing unit sa 100 rebelde sa Zamboanga

Naniniwala ang pamunuan ng Armed Forces of  the Phlippines (AFP) na makakamit lamang ang kapayapaan at kasaganaan sa lahat ng komunidad sa bansa sa pamamagitan ng malayang ugnayan.

Malaking bahagi dito ang walang humpay at hindi tumitigil na programa ng pamahalaan para tulungan lalo na ang mga kababayan nating nasasadlak sa kasamaan dulot ng mga doktrina ng makakaliwang grupo na Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Nito lamang nakalipas na mga buwan umabot na sa mahigit 1,000 na mga rebelde ang nagsipagsuko sa pamahalaan..

Ayon sa pamunuan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), nakapaloob dito ang iba’t-ibang interbensiyon para sa lahat ng magbabalik loob sa pamahalaan.

Sa Zamboanga del Norte, umabot sa 200 mga miyembro ng indigineous people at communist terrorist group ang nabigyan ng libreng housing unit kapalit ng pagbabalik ng tiwala nito sa pamahalaan.

Ani General Cirilito Sobejana, Chief of Staff, AFP, “I believe that through open dialogue among community leaders, citizens and stakeholders, we shall continue to uplift the town of godod towards lasting peace and further development.”

Pinangunahan ang programa ng AFP, Provincial at Municpal Task Force to end Local Communist Armed Conflict  at National Housing Authority sa Godgod, Zamboanga del  Norte.

Ang dating armas at mga programang pangkarahasan ay napalitan na ito ng disenteng buhay, edukasyon at hanapbuhay.

“I express my sincerest gratitude to the National Housing Authority, National Commission on Indigenous Peoples, and the Municipality of Godod in making this housing project a reality. Not only that we have provided a modest shelter for former rebel and ips and their families, we are likewise building a safe and progressive community for them to live productively for the rest of their lives,”

Nauna nang sinabi ng DILG, na ang programa ng gobyerno ay patuloy na umaani ng suporta sa maraming bahagi ng bansa at patuloy na humihikayat sa komunistang rebelde na sumuko na kapalit ng mas maayos na buhay sa komunidad.

Ayon pa sa ahensiya, patuloy ang paghina ngayon ng kilusang komunista kasunod ng pagsuko ng maramin mga rebelde sa ibat ibang panig ng bansa.

Dumalo sa seremonya ang mga kinatawan ng general headquarters ng Camp Aguinaldo at ground commanders ng Zamboang del Norte, Brigadier General Leonel Nicolas ng 102nd brigade at Brigadier General Anthony Cacayuran ng 54th engineer brigade.

 

More in National News

Latest News

To Top