Connect with us

Advance payments para sa bakuna kontra COVID-19, inaprubahan na ni Pang. Duterte

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang advance payments para sa bakuna kontra COVID-19.

National News

Advance payments para sa bakuna kontra COVID-19, inaprubahan na ni Pang. Duterte

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang advance payments para sa bakuna kontra COVID-19.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa press briefing.

Ayon kay Roque, maglalabas ng executive order ang pangulo para sa emergency use ng COVID-19 vaccine.

Ibig sabihin aniya nito, ang mga bakuna na inaprubahan ng ibang mga bansa ay maaring gamitin sa Pilipinas matapos ang 21 araw, mas mababa mula sa kasalukuyang required na 6-month local verification.

Samantala, sinabi rin ni Roque na nangako ang mga private firm na bibili ng COVID-19 vaccine na magbibigay ng 50 hanggang 80 % sa gobyerno para sa distribusyon sa mga mahihirap.

Ang natitira naman aniya ay para sa mga empleyado ng mga pribadong kumpanya.

More in National News

Latest News

To Top