Connect with us

Administrasyong Aquino, may pananagutan din sa katiwalian sa PhilHealth

May pananagutan din sa katiwalian ang mga opisyal sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong Administrasyong Aquino.

National News

Ito ang inihayag ni Atty. Larry Gadon, aniya, hindi lamang ang nasa Administrasyong Duterte ang dapat managot.

“Ang dapat na managot diyan, ‘di lamang itong sa administrasyon ni President Duterte, at kinakailangan pa ring sumagot diyan, iyong panahon ni Noynoy Aquino.”

“ Sapagkat kung merong nanakaw na pondo ngayon, yan ay kapiranggot ‘yan, kung ikukumpara mo doon sa administrasyon ni Noynoy Aquino” saad ni Gadon.

Dadag pa ni Atty. Gadon, sa panahon din ni Sen. Risa Hontiveros nawala ang malaking halagang pondo sa PhilHealth.

Aniya, “Panahon nila Risa Hontiveros, iyon talaga ang napakaraming pondo na nawala. Doon talaga nag-umpisa na maging imbudo ang pagkawala nung pera.”

“Ibig sabihin ng imbudo, napakarami nung pinasok tapos sabay labas sa butas sa ilalim.”

More in National News

To Top