ADB, hinikayat ng pangulo  na suportahan ang "Build, Build, Build” programs ng gobyerno

ADB, hinikayat ng pangulo  na suportahan ang “Build, Build, Build” programs ng gobyerno

National News

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Asian Development Bank (ADB) na patuloy na suportahan ang “Build, Build, Build” programs ng gobyerno.

Kasunod ito ng isinagawang courtesy call ni ADB President Masatsugu Asakawa kay Pangulong Duterte sa tanggapan ng Department of Finance (DOF) sa Manila.

Nagpasalamat din ang pangulo sa walang humpay na tulong ng ADB at umaasa ito na magpapatuloy ang suporta ng ahensya sa tinaguriang Golden Age of Infrastructure ng Duterte Administration.

Natalakay din sa pulong ang mga hakbang para mas lalo pang mapalakas ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng ADB.

Disyembre ng nakaraang taon nang lagdaan ng DOF at ADB ang 3 loan agreements na nagkakahalaga ng $623-M bilang suporta sa inisyatibo ng Philippine government sa imprastraktura, competition capacity-building at youth employment.