Resolusyon na layong palawigin ang validity ng ABS-CBN franchise hanggang 2022, inihain sa Kamara

ABS-CBN, sanay nang umabuso ng pribilehiyo – Cong. Remulla

National News

Sanay na sanay nang umabuso sa batas at pribilehiyo ang giant network na ABS-CBN.

Ito ang naging paratang ni Senior Deputy Majority Leader Boying Remulla sa Kapamilya network sa naging panayam ng SMNI News.

Kagaya nalang ani Remulla sa pag-ere pa rin nito sa kanilang digital channel kahit paso na ang kanilang prangkisa.

Ani Remulla, “Mayroong isang prangkisa na ginamit sila na hindi sila nagpapa-alam sa congress, ay bawal na bawal rin yan sa terms ng franchise na binibigay ng kongreso, so, sanay na sanay silang balewalain ang authority sa bansang ito.”

Samantala, iginiit din ni Remulla na walang malasakit ang ABS-CBN sa mga mangagawa nito.

“Yung kanilang pamamaraan sa mga manggagawa ay very arbitrary, wala nga silang puso, talagang ang sa kanila, pera-pera, yun ang mahalaga,” giit ng mambabatas.

Samantala, muling pinaliwanag ni Franchise Lawyer Rolex Suplico na kabilang na sa expiration ng franchise ng ABS-CBN ang TV plus o mahiwagang black box.

Aniya, “kasama na yan sa aming original ceast and desist order na na-issue namin noong May 5 2020.”

Kabilang din aniya sa mga nag-expire na prangkisa ang iba pang negosyo nito gaya ng sky-direct ng ABS-CBN corporation sa Sky Cable.

Sinabi rin ni Atty. Larry Gadon na malaki ang pagkukulang ng National Telecommunications Commission (NTC) kung bakit patuloy paring nasa ere ang ABS-CBN sa kanilang TV plus at channel 43.

Ani Gadon, ang nangyayari ay mukhang naging sunod sunuran na tuloy ang NTC sa gusto ng Kapamilya network.

Sa panig naman ng NTC, inaantay anila ang confirmatory opinion ng solicitor general tungkol sa isyu.

Pero giit ni Gadon, mas may kapangyarihan ang NTC na magpatupad ng batas hinggil sa pagsahimpapawid ng isang network kumpara sa solicitor general.