Pinaglaruan at pinaikot ng ABS-CBN ang sistema ng pamahalaan para makaiwas sa pagbabayad ng malaking buwis.

ABS-CBN, pinaikot ang sistema ng pamahalaan sa pagbabayad ng buwis – Cong.Yap

National News

Pinaglaruan at pinaikot ng ABS-CBN ang sistema ng pamahalaan para makaiwas sa pagbabayad ng malaking buwis.

Ito ang naging pahayag ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap.

Dahil dito, nanawagan ang kongresista sa Kongreso na imbestigahang mabuti ang ipinatutupad na tax regulation sa bansa upang hindi tularan ng ilang malalaking kumpanya sa bansa.

Nabunyag kasi sa pagdinig sa Kamara na hindi basta bastang  tax violation ang nagawa ng kumpanya ukol sa prangkisa ng ABS-CBN.

Binanatan pa ni Yap ang paggamit ng ABS-CBN sa Luxembourg, Hungary at Cayman Islands na kilala na mga tax haven sa buong mundo para aniya makatakas sa pagbabayad ng buwis sa Pilipinas.

Iginiit pa nito na tax avoider ang ABS-CBN dahil laging humahanap ng butas para makaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis.