ABS-CBN, naghain ng petisyon sa Korte Suprema

National News

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang ABS-CBN Corporation para ipaharang ang cease and desist order ng NTC sa kanila. Ito ay upang ipahinto na ang operasyon ng giant network dahil sa napasong prangkisa noong Mayo 4.

Sa 46 na pahina ng isinumiting petisyon, humiling ng ‘temporary restraining order’ ang kapamilya netwok.

Nakasaad din dito na ang order ng NTC ay paglabag umano sa karapatan ng publiko sa tamang impormasyon at kalayaan sa pamamahayag. 

Dagdag pa ng petisyuner, na dapat din isaalang-alang ang interes ng nakararami; bilang isa ito sa may pinakamaraming audience na broadcast network sa bansa.

Aniya dahil sa desisyon ng NTC,  nalagay sa alanganin ang kabuhayan ng nasa 11,000 manggagawa ng nasabing kompanya.