ABS-CBN magbabawas manggagawa Agosto

ABS-CBN, magbabawas ng manggagawa sa Agosto kung hindi pa rin ito makakapag-broadcast

National News

Inihayag ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak na magbabawas na sila ng manggagawa sa darating na buwan ng Agosto. Ito ay kung hindi makabalik agad sa operasyon ang Kapamilya network.

Matatandaang nangako ang management ng ABS-CBN na magkakaroon pa rin ng trabaho at sweldo ang mga trabahante nito sa loob ng tatlong buwan.

Ani Katigbak, mayroong 5,000 mga manggagawa na sakop ng ABS-CBN Corporation. Nasa 11,000 naman ang nasa ilalim ng ABS-CBN group of companies.

Sa ngayon, na apektado ang income ng estasyon dahil nawawalan ito ng kita na umaabot sa P30-35 milyon kada araw.