ABS-CBN, ilang dekada nang nililinlang ang sambayanan – SolGen. Calida

National News

Muling binanatan ni Solicitor General Jose Calida ang ABS- CBN dahil sa mga paglabag nito sa franchise rule. Ayon kay Calida, ilang dekada nang niloloko ng kumpanya ang sambayanan dahil sa dami ng mga paglabag nito sa batas.

“For decades now ABS-CBN has been deceiving the Filipino people. The time has come to expose ABS-CBN, whose owners and corporate officers continue to deceive the Filipino people into believing that they are “in the service of the Filipino.” – Solicitor General Jose Calida

Inilatag ni Solgen Jose Calida ang laman ng kaniyang quo warranto case hinggil sa mga nasilip nilang paglabag ng ABS-CBN sa kanilang naunang prangkisa na nagpaso noong May 4, 2020.

Ang unang gustong ipatigil ni Calida ang pay-per-view service ng KBO, osa sa mga channel sa ABS-CBN TV Plus. Ito ay dahil wala umano sa prangkisa ng ABS-CBN na puwede itong maningil sa isang free-to-air station.

Pinuntirya din ni Calida ang pag-alok ng ABS-CBN ng Philippine depository receipts (PDRs) sa mga dayuhan; dahil labag umano ito sa Konstitusyon na nagsasabing dapat 100 porsiyentong Filipino-owned ang media companies sa bansa.

Inakusahan din ng Office of the Solicitor General ang ABS-CBN Convergence na hindi idinaan sa Kongreso ang paglipat ng prangkisa at hindi pag-alok ng shares of stock nito sa publiko.

Sa kaniyang opening statement, binanggit ni Calida na hindi niya maaring sagutin ang mga tanong na makalalabag sa sub judice rule; ito ay dahil sa gag order na inisyu ng Supreme Court.

Subalit sa kaniyang closing remarks na hindi isyu ng press freedom ang usapin sa ABS- CBN subalit isyu ito ng pera, politika at kapangyarihan- kapangyarihan na ani Calida ay may malaking epekto sa ekonomiya at demokrasya ng batas.

Binanatan din nito ang paggamit ng kumpanya sa mga artista nito para magpalabas ng mga pahayag laban sa network.

Malinaw din na sinabi ni Calida na panahon na para wakasan  ang panlilinlang ng ABS-CBN sa mga Pilipino.

Determinado naman ang OSG na ilahad ang mga illegal practices ng broadcast network na hindi napuna sa mahabang panahon.

Samantala, humingi ng paumanhin si NTC Commissioner Gamaliel Cordova sa Kamara dahil sa biglaan nilang pagpapatupad ng cease and desist order laban sa ABS- CBN.

Ayon kay Cordova, sakop ng kanilang kapangyarihan na ipatupad ang batas at ipasa ang isang network na walang legislative franchise.

Giit din nito na hindi nito masasagot ang mga tanong na lalabag sa sub judice rule.

Narito ang kanilang magkasunod na pahayag nina Calida at Cordova.