Connect with us

ABS-CBN hindi pagmamay-ari ang lupang kinatatayuan – Cong. Marcoleta

May hawak na dokumento si Cong. Rodante Marcoleta na nagpapatunay na ang lupa na kinatatayuan ng ABS-CBN ay pagmamay-ari ng gobyerno.

National News

Ito ang kanyang inihayag sa panayam ng Sonshine Radio kung saan ipinauubya nito sa gobyerno kung kailan ito kukunin.

Ani Cong. Marcoleta, nag-squat ang ABS-CBN sa lupa na ginagamit nila sa mahabang panahon.

Dagdag pa ni Marcoleta, nakapangalan ang lupa sa isang ahensya ng gobyerno.

Sa ngayon, nagtataka si Marcoleta kung bakit hindi pa ito inaaksyunan ng pamahalaan.

Samantala, muling iimbestigahan ng Kamara ang ABS-CBN sanhi ng paggamit nito sa Zoe TV.

Ayon pa kay Cong. Marcoleta, kaparehas ito sa ginawa nila sa Amcara.

Ani Cong. Marcoleta, hindi rin naaayon sa batas ang pagpayag ng Zoe na mag-blocktime ang ABS-CBN.

Matatandaang, tax exempted ang Zoe TV dahil ito ay religious channel, ngunit ani marcoleta nakapag-tataka ang pagdami ng mga advertisement sa nasabing estasyon.

More in National News

Latest News

To Top