Connect with us

ABS-CBN franchise, sa susunod na Kongreso nalang tatalakayin – Speaker Velasco

Pinaghihintay ni House Speaker Lord Allan Velasco sa susunod na Kongreso ang ABS-CBN sa panawagan nito na i-renew ang prangkisa.

National News

ABS-CBN franchise, sa susunod na Kongreso nalang tatalakayin – Speaker Velasco

Sa susunod na Kongreso na tatalakayin ang pagbibigay ng bagong prangkisa sa Kapamilya broadcasting network  na ABS-CBN.

Ito ang naging pahayag ni House Speaker Lord Allan Velasco kaugnay sa nasabing isyu.

Anyon kay Velasco, prayoridad nilang maisabatas ang Bayanihan 3 para sa pangatlong pagtugon ng pamahalaan sa pandemic na COVID-19.

Kabilang na din ang mga panukala kaugnay sa pagpapaunlad muli ng ekonomiya mula sa dagok na dala ng COVID-19 pandemic.

Sa nalalabing mahigit isang taon aniya ng Administrasyong Duterte, ipo-pokus ng kasalukuyang kongreso ang pagpapatupad ng mga proyekto at programa na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko.

“Calls to revive the franchise of ABS-CBN will have to wait until the next Congress. “

“With a little over a year until the 2022 elections, the House of Representatives is bent on finishing the remaining priority measures of this Administration to ensure that President Rodrigo Roa Duterte fulfills his campaign promise to the Filipino people,”

“On top of these priority legislation, we would like to see the passage of Bayanihan 3, as well as other economic bills geared toward rebuilding the Philippine economy shattered by the devastating impact of the global pandemic and rebuilding the lives of every Filipino disrupted by the health crisis,“ang pahayag ni Velasco.

Nilinaw nito na ang pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN ay hindi kasali sa nasabing mga priority.

Samantala, nauna naring nilinaw ni House Committee on Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez na wala nang pag-asa na maisulong pa ang prangkisa ng ABS-CBN ngayong 18th Congress.

Ito’y kahit pa naghain ng kani-kanilang bersyon ng ABS-CBN Franhise bills sila Batangas 6th District Rep. Vilma Santos Recto at Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado.

Ayon kay Alvarez, malinaw ang pasya ng komite nang ibasura nito ang franchise application ng TV Network.

Giit nito na 70 kongresista ang bumoto pabor para patayin ito sa committee level.

“The ABS-CBN franchise issue was put to rest when the Committee, voting 70-11, rejected the network’s franchise application on July 10, 2020,” ani Rep. Franz Alvarez.

Matatandaan na unang inihain ni Senate President Tito Sotto III ang Senate Bill No. 1967 na nais bigyan ang ABS-CBN network ng 25 taong prangkisa na ibinasura ng Kamara noong Hulyo dahil sa iba’t-ibang paglabag.

Anim na mga senador  naman ang pumayag na maging co-author ng panukala na magbubuhay sa prangkisa ng ABS-CBN corporation.

Ang anim na senador na pumayag na maging co-author ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Panfilo Lacson, Sonny Angara, Nancy Binay, Joel Villanueva, at Sherwin Gatchalian.

Ayon kay Villanueva, dapat lamang mabigyan ng prangkisa ang netwrok dahil aniya sa serbisyong ibinigay nito sa taumbayan.

Ang ibang senador ay nagpahayag ng suporta para sa nasabing panukala gaya na lamang nila Sen. Ralph Recto, Francis Kiko Pangilinan, Sen. Poe at sen. Angara, Minority Leader Franklin Drilon.

More in National News

Latest News

To Top