Connect with us

ABS-CBN, bayaran muna ang utang sa gobyerno bago makapag-operate – Cong. Marcoleta

Suportado ni SAGIP Partylist Rep. Congressman Rodante Marcoleta ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbayarin muna ang ABS-CBN bago muling makabalik sa kanilang operasyon.

National News

“Habang mayroong outstanding issues laban sa kanila katulad noong naka-balandra na dalawang resolusyon, hindi naman siguro mabuti na bigla silang mag-aaply na hindi muna nila tinitingnan ang dalawang resolusyon.”

Ani Marcoleta, malinaw ang sinabi ni Pangulong Duterte na bayaran muna ang mga utang sa gobyerno.

Sumang-ayon din si Cong. Marcoleta sa pahayag ni House Speaker Lord Allan Velasco na maaring sa susunod na Kongreso na mapapag-uusapan ang kahilingan ng ABS-CBN para i-renew ang kanilang prangkisa.

Patungkol naman sa lupa’ng kinatatayuan ng ABS-CBN, ani Marcoleta, hindi na dapat pang hintayin na magkaroon ng pagdinig sa Kamara bago ipakita ang mga dokumento na magpapatunay na pagmamay-ari ng ABS-CBN ang lupa.

More in National News

Latest News

To Top