Connect with us

99% passing rate ng mga studyante ngayong may pandemya, kwestyunable

Hindi kumbinsido ang dalawang senador sa report ng Department of Education (DepEd) na nasa 99% ng mga studyante sa buong bansa ang nakakuha ng passing grade sa unang quarter ng school year kung saan ipinatupad ang distance learning dahil sa COVID-19 pandemic.

National News

Base sa iprinesentang report ng DepEd sa Senado, nakita sa performance ng grade 1 hanggang 12 na nasa higit 14.5 milyong mag-aaral ang nakakuha ng passing marks habang higit 126,000 naman ang hindi nakapasa.

Pagdating sa performanace ng bawat rehiyon, ang Western Visayas ang nakakuha ng pinaka mataas na porsyento na may 99.4% habang ang Cordillera naman ang nakapagtala ng pinaka mababang passing percentage na may 96.92%.

Ngunit pinagdududahan ito ng ilang senador ang report na iprinisenta ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio at kinuwestiyon din ng mga ito kung paaano nakuha ng departamento ang kabigla-biglang porsyento ng mga studyanteng nakakuha ng passing marks.

Tinanong ni Senator Sherwin Gatchalian na siya ring chair of the senate committee on basic education kung paano nakuha ng kagawaran ang datos na ito sa kabila ng dulot ng pandemya sa school system.

Duda din si Sen. Nancy Binay sa report ng at sinabing may mga ulat na ang mga magulang ng mga mag-aaral o iba pang matanda sa bahay ang sumasagot sa mga test sa modules at hinimok din nito ang ahensya na imbestigahan ang sagot for sale” racket kung saan binabayaran ng mga magulang ang ibang tao para sagutan ang modules ng kanilang mga anak.

Sinagot naman ni San Antonio na ang mataas na passer rate ay maaaring dahil sa adjustments na ginawa ng DepEd at mga guro kung saan pinayagan ang mga delingquent student na makahabol sa aralin.

More in National News

Latest News

To Top