Nasa 90 bus units ang nakatakdang ideploy bukas upang ma-accommodate ang mga weekend passenger ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) na maapektuhan ng apat na weekend na wala itong operasyon.

90 bus units, idedeploy sa weekend shutdown ng MRT-3

Metro News

Nasa 90 bus units ang nakatakdang ideploy bukas upang ma-accommodate ang mga weekend passenger ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) na maapektuhan ng apat na weekend na wala itong operasyon.

Ang weekend shutdown ay nakatakda bukas, Hulyo 4 hanggang 5 at magpapatuloy sa Agosto 8-9, Agosto 21-23 at Septyember 12-13.

Ayon sa MRT-3 management, ang southbound loading stations ay sa North Avenue station at Quezon Avenue station at ang unloading stations ay sa Ayala station at Taft Avenue station.

Habang ang northbound loading stations ay sa Taft Avenue station at Ayala station at ang unloading stations ay sa Ayala station, Quezon Avenue station at North Avenue station.

Ang suspensyon ng operasyon sa mga nabanggit na petsa ay upang bigyan-daan ang pagpapabilis ng rail replacement works na nakatakdang matapos sa Septyembre ng taong kasalukuyan.