Connect with us

9 na plantation site ng marijuana, winasak ng PDEA

Sinalakay at winasak ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cordillera Autonomous Region (CAR) ang nasa 9 na plantation sites ng marijuana.

Regional

Umaabot naman sa P80 milyon halaga ng full grown marijuana ang kanilang nasira.

Ayon sa tagapagsalita ng PDEA na si director Arnold ‘Derric’ Carreon, sinimulan nilang wasakin ang mga ipinagbabawal na tanim noong hapon ng Agosto 17 hanggang Agosto 19 dahil sa lawak ng plantasyon sa Mt. Chumanchil, Barangay Loccong,Tinglayan, Kalinga.

Ang mga pinagsanib puwersa ng mga operatiba ay pinangunahan ng PDEA CAR, PDEA RO 2, PDEA RO 1, PDEA SES, PDEA IIS, PNP Kalinga, at Phil. Army.

Sa ngayon, inaalam pa ng awtoridad kung sino ang magsasakang may ari ng full grown marijuana.

More in Regional

To Top