Connect with us

9 na heneral na sangkot sa drug trafficking, pinaiimbestigahan – Eleazar

Ipinag-utos ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar ang imbestigasyon sa siyam na heneral na sangkot sa drug trafficking.

Metro News

9 na heneral na sangkot sa drug trafficking, pinaiimbestigahan – Eleazar

Ipinag-utos ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar ang imbestigasyon sa 9 na heneral na sangkot sa drug trafficking.

Ito ay matapos isiwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) ang pagkakasangkot ng ilang mataas na opisyal sa drug trafficking.

“Iimbestigahan nating mabuti ang bagay na ito. Aalamin at tutukuyin natin ang matataas na opisyal sa PNP na sinasabing sangkot sa iligal na droga,” ani PGen Eleazar.

Ayon kay Eleazar, aalamin at tutukuyin nila ang matataas na opisyal sa PNP na sinasabing sangkot sa iligal na droga.

Wala anyang puwang ang organisasyon para sa mga tiwaling pulis, lalo na ang sangkot sa iligal na droga.

“Uulitin ko, walang puwang sa organisasyon para sa mga tiwaling pulis, lalo na ang sangkot sa iligal na droga,” saad nito.

Una nang nagpahayag si Surigao del Norte Representative Robert “Ace” Barbers na nais niyang magpatawag ng pagdinig sa kaso ng 9 na heneral ng PNP.

More in Metro News

Latest News

To Top