828 LGUs SAP DILG

828 LGUs na nakatapos na sa pamamahagi ng SAP, pinuri ng DILG

National News

Pinuri ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nasa 828 na local government units na nakakompleto na sa pamamahagi ng Social Amelioration Program.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, pinapatunayan lamang nito ang inyong pagmamalasakit sa inyong constituents.

Hinimok naman ni Año ang 828 LGUS na agad i-liquidate ang pondong ipinagkatiwala sa kanila at maiulat ang bawa’t sentimo ng buwis ng ating mga kababayan sa Department of Social Welfare and Development.

Ang pamahalaang lokal na nakatapos ay ang 56 na nasa Cordillera Administrative Region; 38 sa Ilocos Region; 31 sa Cagayan Valley; 36 sa Central Luzon; 63 sa CALABARZON; 62 sa MIMAROPA; 70 sa Bicol; 114 sa Western Visayas; 52 sa Central Visayas; 95 sa Eastern Visayas; 71 sa Zamboanga Peninsula; 17 sa Northern Mindanao; 26 sa Davao Region; 32 sa Soccsksargen, at 65 sa CARAGA.