Connect with us

80’S Pinoy band na Neocolours, muling magsasama para sa isang concert

Showbiz

80’S Pinoy band na Neocolours, muling magsasama para sa isang concert

Magsasama-samang muli para sa isang concert ang isa sa pinakaminahal na Pinoy bands noong dekada 80 – ang Neocolours.

Makalipas ang ilang taon ay handa na tayong muling haranahin ng iconic band sa kanilang “tuloy pa rin ang banda” concert.

Mapapanuod na nating muling tumugtog ng magkasama ang Pinoy musicians na sina Jimmy Antiporda, Ito Rapadas, Marvin Querido, Josel Jimenez, Paku Herrera at Nino Regalado.

Gaganapin ang naturang reunion performance sa Music Museum sa November 16.

Inaasahang aawitin ng banda ang kanilang classic hits gaya ng “Kasalanan ko ba,” “Say you’ll never go,” “Tuloy pa rin” at “Maybe.”

Ulat ni Patricia Fulo

Continue Reading
You may also like...

More in Showbiz

To Top