Connect with us

8 militar nurse, idineploy na sa Lung Center of the Philippines

8 militar nurse, idineploy na sa Lung Center of the Philippines

National News

8 militar nurse, idineploy na sa Lung Center of the Philippines

Ipinadala na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 8 military nurse sa Lung Center of the Philippines upang tumulong sa health workers.

Pinangunahan ni AFP Surgeon General Colonel Fatima Claire Navarro ang send-off ceremony ng Nurse Corps Officers.

Tatagal ng isang buwan ang deployment ng 2 team mula sa AFP Nurse Corps alinsunod sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng AFP at Department of Health (DOH).

4 sa mga nurse ay una nang idineploy sa Davao habang 2 ang mula sa Cebu at 2 ang mula sa V. Luna Medical Center.

Nag-negatibo sa COVID-19 ang mga ipinadalang tauhan ng AFP at muling sasailalim sa RT-PCR testing tuwing dalawang linggo para sa monitoring.

Pinasalamatan naman ni AFP Chief of Staff General Jose Faustino Jr. ang mga nurse na tumugon sa tawag ng tungkulin sa gitna ng pandemya.

More in National News

Latest News

To Top