8 LSI na nasa Rizal Stadium, nagpositibo sa COVID-19 rapid test

COVID-19 UPDATES Metro News

Nagpositibo sa COVID-19 rapid test ang 8 locally stranded individuals (LSI) na nasa Rizal Memorial Stadium.

Kinumpirma ito ni Presidential Management Staff and Hatid Tulong Program Lead Convener Assistant Secretary Joseph Encabo.

Ayon kay Encabo, naka-isolate na ang mga nagpositibo sa rapid test at inaasikaso na ng Department of Health (DOH).

Isasailalim naman aniya ang mga ito sa RT-PCR confirmatory test.

Ang mga nagpositibo ay ilan lamang sa libo-libong LSI na nasa Rizal Stadium na nag-avail sa “Hatid Tulong” program ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.