Connect with us

8-hour duty para sa mga pulis, pinag-aaralan ng PNP

Pinag-aaralan ng Philippine National Police ang 8-hour shift sa mga pulis mula sa dating 12 oras upang mabigyan ang mga ito ng sapat na oras para makapag-pahinga at makasama ang kani-kanilang pamilya.

National News

Sa ginanap na pulong balitaan, sinabi ni PNP Chief Gen. Camilo Cascolan na ang pina-iksing work hours ay magkakaroon ng malaking epekto sa kalusugan ng nasa 209,000 na pwersa.

Ani Cascolan, ang 8-hour shift ay maaaring ipatupad sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na mayroong 27,000 personnel.

Dagdag pa nito, ang mga pulis ay mayroong option na i-maintain ang kasalukuyang 12-hours shift ngunit may option din ang mga ito na i-extend ang kanilang rest-period sa 24 hours mula 16 hours sa ngayon.

Matatandaan na ipanukala rin ni Cascolan ang 8-hours shift nang pamunuan niya ang NCRPO noong 2018 ngunit tinanggal din ito sa kanyang pwesto upang ilipat sa civil security group ng dating PNP Chief na si Oscar Albayalde.

More in National News

To Top