Connect with us

8 communist terrorist, sumuko sa Sultan Kudarat

Sumuko ang 8 communist terrorist sa militar at pulisya sa Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Regional

8 communist terrorist, sumuko sa Sultan Kudarat

Sumuko ang 8 communist terrorist sa militar at pulisya sa Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command chief Major General Alfredo Rosario, Jr., kabilang sa sumuko si Aley Danyan alyas Dandan, lider ng Platoon My Phone ng East Daguma Front ng South Regional Command – Daguma ng Far South Mindanao Region.

No description available.

No description available.

Sa salaysay ni Danyan, ni-recruit sila ng communist terrorist group at sapilitang pinalayo sa kanilang pamilya.

Pero nabigo aniya ang grupo na suportahan ang kanilang pamilya kaya nagdesisyon silang magbalik-loob sa gobyerno.

Samantala, ibinaba rin ng mga kasamahan ni Danyan ang ilang mga baril at pampasabog.

Inaasahan na tatanggap ng tulong sa ilalim ng E-CLIP program ang mga sumukong communist terrorist.

 

8 BIFF, nagbaba ng armas sa Maguindanao

Nagbalik-loob sa gobyerno ang walong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Ayon kay 92nd Infantry Battalion commander Colonel Nathaniel Balintong, kabilang sa sumuko ang sub-group leader na kinilalang si Inday Palaguyan, alyas Daran.

Ibinaba rin nila ang ilang matataas na kalibre ng armas at isang rocket-propelled grenade.

Tumanggap ang grupo ni Palaguyan ng financial assistance at ilang sako ng bigas mula sa lokal na pamahalaan ng Shariff Aguak.

No description available.

No description available.

Naniniwala si AFP Western Mindanao Command chief Major General Alfredo Rosario, Jr. na ang pagsuko ng mga miyembro ng BIFF ay senyales na epektibo ang whole-of-nation approach sa paglaban sa terorismo at insurensya sa lugar.

Ngayon 2021, 134 BIFF ang sumuko sa militar sa Central Mindanao.

More in Regional

Latest News

To Top