Mahigpit na magbabantay ang awtoridad ngayong ika-5  SONA ng pangulo lalo't ipinagbabawal ang mass gatherings dahil sa COVID-19 pandemic.

7,000 pulis, itinalagang magbantay para sa seguridad ng SONA

National News

Mahigpit na magbabantay ang awtoridad ngayong ika-5  State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo’t ipinagbabawal ang mass gatherings dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard, aabot sa 7,000 pulis ang naka-deploy sa ground.

Binubuo anya ito ng 5,400 na pulis mula sa NCRPO at 1,600 na mga tauhan mula sa MMDA, BFP, Medics at iba pa.

Kabilang sa kanilang binabantayan ay ang Batasan Complex, Commonwealth Avenue at iba pang lugar na maaaring magkaroon ng kilos-protesta.

Una nang naglatag na checkpoint ang awtoridad sa boundary ng San Mateo, Rizal at Quezon City partikular sa Batasan-San Mateo Road at boundary ng Rodriguez, Rizal at Quezon City malapit sa Payatas.

Una nang ipinaalala ng PNP na mahigpit nilang ipatutupad ang maximum tolerance lalo’t ipinagbabawal ang mass gatherings maliban sa UP Diliman.