Connect with us

7 respondents sa Dacera slay case, nagsumite ng counter affidavit

Naghain na ng kani-kanilang counter affidavit sa Makati City Prosecutors Office ang 7 sa 11 respondent sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

National News

7 respondents sa Dacera slay case, nagsumite ng counter affidavit

Naghain na ng kani-kanilang counter affidavit sa Makati City Prosecutors Office ang 7 sa 11 respondent sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Samantala, 5 naman sa 7 respondents ay nagsumite ng joint affidavit.

Nagsumite naman ng supplemental complaint ang investigating police officer ng Makati PNP na siyang may hawak sa kaso.

Nakasaad sa manipesto ng PNP na hinihintay pa umano nila ang resulta ng DNA, toxicology, chemical analysis, histopath examination at laboratory result na magmumula sa Makati Medical Center.

Kaugnay nito, kilala na o tukoy na ng National Bureau of Investigation ang mga personalidad na naka-check in o nasa loob ng room 2207 ng hotel, na binabalik-balikan ng flight attendant na si Christine Dacera, ilang oras bago naganap ang krimen.

Gayunman ay hindi muna pinangalanan pero pinadalhan na ng subpoena ng NBI ang mga ito habang itinuturing na sila bilang mga persons of interest.

Sinabi ni NBI Spokesperson at Deputy Director Ferdinand Lavin na sa ngayon ay patuloy nilang sinisikap na makipag-ugnayan sa mga ito at hinihimok na lumantad at makipagtulungan sa imbestigasyon.

Kaugnay nito ay ipinaliwanag ni Lavin na sa kasalukuyan ay mas malinaw na anya ang itinatakbo ng kanilang imbestigasyon pero mas mainam pa rin umano kung makakakuha pa sila ng mga salaysay sa mga posibleng lalantad na testigo.

Sinimulan naman na ngayong araw ang preliminary investigation sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Batay sa tatlong pahina ng resolusyon na pirmado ni Makati City Prosecutor Dindo Venturanza, maaari pa rin umanong ibalik sa piitan ang mga personalidad na na-release kung may iba pang kasong ipupukol laban sa kanila.

Matatandaang,  nitong nakalipas na araw, ay pinayagan ng piskalya na makalaya muna ang ilang suspek na sina John Pascual de la Serna, Rommel Galido at John Paul Halili habang iniimbestigahan pa ang kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Kasabay nito ang patuloy na paghahanap sa iba pang sangkot sa Dacera case para maisalang din sa inquest proceedings na ginawa sa naunang tatlo.

Pero batay sa rekord ng PNP-CIDG, lima palang mula sa walong suspek ang tumugon sa 72 hour ultimatum na ibinigay ng PNP sa mga ito.

Bagamat mga abogado lang ang nagsumite ng kanilang tugon sa subpoena sa kanilang mga kliyente at sinabing handa naman nilang iharap ang mga ito kung kakailanganin.

Nauna nang naipakalat sa internet ang autopsy report, CCTV footage at iba pang ebidensiya sa kaso na kumuha ng atensiyon sa publiko para magkaroon ng iba’t ibang reaksiyon, komento at istorya hinggil sa kaso.

More in National News

Latest News

To Top