Nahulog sa kamay ng mga tauhan ng Philippine National Police -Anti-Kidnapping Group (PNP-AKD) ang 6 Chinese at 1 Filipino na sangkot sa pagdukot sa isang Chinese.

7 indibidwal na sangkot sa pagdukot sa isang Chinese, arestado

Metro News

Nahulog sa kamay ng mga tauhan ng Philippine National Police -Anti-Kidnapping Group (PNP-AKD) ang 6 Chinese at 1 Filipino na sangkot sa pagdukot sa isang Chinese.

Ayon kay PNP AKG spokesperson Police Major Ronaldo Lumactod, isinagawa ang operasyon matapos nilang matanggap ang reklamo ng live-in partner ng biktimang si Le Chen.

Nabatid na nag-apply ang biktima sa isang kumpanya bilang POGO worker.

Hulyo 16 nang sinundo siya ng hindi nakilalang Chinese at dinala sa Villa Carolina 3 Townhouse 3, Barangay Tambo, Parañaque para sa interview pero sapilitan itong pinagtrabaho sa online gambling.

Humingi rin ang mga suspek ng P84,000 na ranson kapalit ng kalayaan ng biktima at sakaling mabigong maibigay ang hinihingi nila ay ibibenta nila ito sa ibang kumpanya.

Matapos maberipika ang sumbong ng live-in partner ng biktima ay agad nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng AKG kung saan nailigtas si Le Chen at naaresto ang mga dumukot sa kanya.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong kidnap for ransom at serious illegal detention.

Samantala, nailigtas din ng AKG ang isang Chinese na kinilalang si Den Lingyi sa Revilla, Pasay City pero hindi naman nahuli ang mga dumukot dito