Connect with us

7 gold medals, nahakot ng Pilipinas sa para dancesport sa Poland

7 gold, 4 na silver at 5 bronze medals ang nahakot ng Pilipinas sa para dancesports competition ng 2021 Polish open qualifying round na ginanap sa Lomianki, Poland

Sports

7 gold medals, nahakot ng Pilipinas sa para dancesport sa Poland

7 gold, 4 na silver at 5 bronze medals ang nahakot ng Pilipinas sa para dancesports competition ng 2021 Polish open qualifying round na ginanap sa Lomianki, Poland.

Nanguna sa team Philippines na naghakot ng award si Edelyn De Asis na nanalo sa 4 na magkaibang kategorya ng torneyo, kabilang na sa solo women class 2, junior class 1 at 2, at solo women class 2 freestyle.

Panalo naman si Julius Jun Obero ng 2 gold medals sa team up nila ni Rhea Marquez sa combi latin class 2 at freestyle combi class 2.

Wagi rin sina Jhona Pena at Joey Maglasang ng gold sa kanilang duo standard class 2.

Nakakuha rin ng silver si De Asis sa combi latin class 2 kasama si Shaquille Hanz Basan, habang second naman si Obero sa solo men’s class 2.

Silver medal din ang nakuha nina Christian Apolinario at Jhistine Glyde Baguio sa combi latin class 1.

At silver din ang napanalunan nina Pena at Filemon Baguio sa freestyle combi class 2.

6 na bronze medal naman ang nahakot ni Anne Charlaine Santos sa duo latin class 2 at duo freestyle 2 kasama ni Apolinario, bronze din sa solo women class 2, solo women class 2 freestyle at freestyle combi class kasama si Jed Villaruel.

Bronze medal din ang nakuha ni Apolinario at Maglasang sa solo men’s class 2 freestyle.

Pinangunahan naman ni head coach Genice Bong Marquez ang team Philippines kasama ang mga assistant coaches na sina Tristan Ducay at Roque Marquez.

Samantala, pasok na ang mga pinoy medalists sa para dancesports world championship na gaganapin sa Korea ngayong Nobyembre.

More in Sports

Latest News

To Top