Connect with us

7 brands ng COVID-19 vaccines, nakakuha na ng EUA sa bansa

Pitong brand COVID-19 vaccines ang ginawaran ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).

National News

7 brands ng COVID-19 vaccines, nakakuha na ng EUA sa bansa

Pitong brand COVID-19 vaccines ang ginawaran ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).

Ito ang update na binigay ni FDA Director General Eric Domingo sa IATF metting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa mga brand na nabigyan ng EUA ay ang Pfizer-Biotech, AstraZeneca, Sputnik V, Sinovac, Bharat Biotech, Janssen, at Moderna.

Ayon kay Dr. Domingo, natitiyak nilang ligtas ang mga bakunang binigyan ng EUA.

“Iyon po ‘yong sinusunod natin na mga conditions, Mr. President, number one, the vaccines should have good efficacy ‘no. The evidence should show that it is reasonable to believe that the vaccine may be able to prevent COVID-19.

“And then second, it has to be a safe vaccine. Meaning, the known and potential benefits outweigh the risks. Dapat po walang mabigat na risk ano, hindi tayo nakakakita nang malaki pong ano potential risks ng mga vaccine, which are still under development. And then third, there is no adequate, approved, available vaccine yet. So ibig sabihin po, wala pa pong registered vaccine na fully marketable.”

Samantala, balak ng Department of Health (DOH) na mag-apply ng emergency use listing sa World Health Organization para sa Sinopharm.

Ito’y para sa government to government negotiation sa pagbili ng bakuna ng Sinopharm.

Ayon kay Domingo, “Iyong Sinopharm, ito po ‘yong although hindi pa official ‘yong application sa atin, the good news is it was granted an emergency use listing by the WHO on May 7.”

“So kapag po ang DOH ang mag-a-apply po ng EUA for this if we plan to procure government-to-government, the DOH can apply for an EUL for Sinopharm and that will not ano ‘no that will not take very long kasi nga po ‘pag ganyan na mayroon na pong EUL ng WHO, we will be able to ask the WHO for the pertinent clinical trial data and the information, and I already asked for it actually this morning.”

Limitado naman umano ang data ng Sinopharm sa epekto nito sa mga may edad na 60 pataas, ngunit hindi na naglagay ng limitasyon ang WHO sa paggamit nito sa mga may-edad.

Ayon kay Domingo, aabot ang efficacy ng Sinopharm sa 79 %.

Sa ngayon ay hinihintay ng FDA na mag-apply ng EUA ang Novavax.

 

 

More in National News

Latest News

To Top