Connect with us

61 indibidwal sa Abra, kumalas ng suporta sa NPA

61 indibidwal sa Abra, kumalas ng suporta sa NPA

Regional

61 indibidwal sa Abra, kumalas ng suporta sa NPA

Sinunog ng 61 indibidwal ang bandila ng New People’s Army (NPA) sa Barangay. Lan-ag, Lacub, Abra.

Ito ay bilang bahagi ng kanilang ‘withdrawal of support’ sa grupo.

Ayon kay Lieutenant Colonel Sonny Gonzales, commanding officer ng 71st Infantry (KAIBIGAN) Battalion ng Philippine Army, positibong hakbang ito upang maalis na ang impluwensya ng NPA sa lugar.

Sinabi naman ni Brigadier General Luis Rex Bergante, acting commander ng 7th Infantry (KAUGNAY) Division na resulta ito ng information campaign ng kanilang Community Support Program (CSP) Team at Municipal Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (MTC-ELCAC).

Inaasahan naman nila na maraming pang kakalas ng suporta sa NPA  sa mga dating na araw.

More in Regional

Latest News

To Top