60% ng curriculum

DepEd, inalerto ang publiko sa kumakalat na outdated learning materials

National News

Nagbabala ang Department of Education sa publiko kaugnay sa kumakalat na luma at hindi awtorisadong learning materials sa mga email.

Ayon kay Education Undersecretary Alain Pascua, maraming kumakalat na chain mails na ginagamit ang pangalan ng DepEd at programa nitong DepEd commons.

Paalala naman ng DepEd sa mga guro, magulang, at mga estudyante, tiyakin na ang mga educational materials na kukunin ay may kalakip na “authorized” o “official”.

Libre din itong maa-access at mai-download sa online learning resource portal na DepEd commons.

Una nang ibinabala ng ahensya ang mga ilegal na online selling para sa mga libreng learning materials maging ang mga grupo at mga indibidwal na nagpapabayad sa mga libreng webinars.

60% ng curriculum, inalis ng DepEd bilang bahagi ng blended learning

Samantala, inalis ng DepEd ang halos 60% ng curriculum.

Ito ay bilang bahagi ng pag-a-adjust para sa remote learning approach na isasagawa ngayong School Year 2020-2021.

Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, ang itinira lamang nila sa curriculum ang pinakamahahalagang learning competencies para sa mga mag-aaral.

Nagbawas rin aniya sila ng subjects at ang itinira lamang yaong pinakamahalagang matutunan ng mga bata.