Connect with us

6 sa bawat 10 pinoy nakaranas ng kakulangan ng pagkain dahil sa pandemya ayon sa survey ng FNRI

Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang massive information campaign para magkaroon ng kumpiyansa ang mga tao tungkol sa bakuna laban sa COVID-19.

National News

6 sa bawat 10 pinoy nakaranas ng kakulangan ng pagkain dahil sa pandemya ayon sa survey ng FNRI

Dahil sa maraming nawalan ng trabaho dahil sa krisis na dulot ng pandemya kaya tumaas ang kaso ng kakulangan ng pagkain sa bansa.

 

Ito batay sa survey ng Food and Nutrition Research Institute, kung saan lumabas na 6 sa bawat 10 pinoy o 62.1% ng mga filipino ang nakararanas ng moderate o severe food insecurity o kakulangan sa pagkain.

 

Ang naturang survey na ginawa noong nobyembre 3 hanggang disyembre 3, lumabas din na 71.7% ng households ang bumibili ng pagkain sa pamamagitan ng pangungutang habang ang 66.3% ay utang mula sa mga kamag anak o kapitbahay.

 

Sa nasabing survey tumaas din ang kakulangan sa pagkain sa pagitan ng abril at mayo noong nakaraang taon dahil sa pinaiiral sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) kung saan 5,717 household na may 7,240 individual ang naapektuhan.

 

Kasabay nito nangako ang malakanyang na gagawa ng paraan para matiyak na magkakaroon ng sapat ang pagkain sa bansa.

 

More in National News

Latest News

To Top