Connect with us

6 na bagong general overhauled LRVs, tumatakbo na sa linya ng MRT-3

Tumatakbo na ang anim na general overhauled Light Rail Vehicles (LRVs) sa linya ng MRT-3.

Metro News

6 na bagong general overhauled LRVs, tumatakbo na sa linya ng MRT-3

Tumatakbo na ang anim na general overhauled Light Rail Vehicles (LRVs) sa linya ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ito ay dagdag sa 3 general overhauled LRVs na naunang napatakbo sa main line na makatutulong sa pagpapataas ng kapasidad ng mga tren na magsakay ng mga pasahero.

Ayon sa MRT-3 management, sumailalim sa simulation run ang mga general overhauled LRVs upang siguruhing ligtas na gamitin ang mga bagon at maaari nang idagdag sa mga operational train sets na tumatakbo sa linya.

Sa kabuuan, mayroong 66 LRVs na ang operasyonal sa linya, samantalang 20 CKD train sets at 1 dalian train set ang tumatakbo sa linya.

Sa kasalukuyan, nakapagsasakay ang MRT-3 ng 30% passenger capacity, na may katumbas na 124 na pasahero kada bagon o 372 na pasahero kada train set.

Continue Reading
You may also like...

More in Metro News

Latest News

To Top