Connect with us

6 miyembro ng Communist Terrorist group, sumuko sa Zambales

Unti- unti ng nauubos ang pwersa ng mga komunista at teroristang grupo na CPP-NPA-NDF.

National News

6 miyembro ng Communist Terrorist group, sumuko sa Zambales

Unti- unti ng nauubos ang pwersa ng mga komunista at teroristang grupo na CPP-NPA-NDF.

Nitong nakaraang araw lang ay 6 mula sa probinsya ng Zambales ang nagbalik-loob sa pamahalaan.

Ayon sa kanila, hindi na nila matiis ang hirap na dinaranas sa kabundukan at nais narin nilang makapiling ang mahal nila sa buhay.

Ngayon lang din nila nakita sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte na seryoso at may totoong malasakit ito.

Kabilang sa mga sumuko ay ang mga may alyas na Bagis, Nacional, Alaxan, James, Jossie at alyas Labor.

Pawag katutubo ng Zambales ang mga sumukong rebelde.

Sinabi ng mga ito na nahikayat silang sumama dahil sa una ay kunwaring tinutulungan hanggang tinuruan na sila ng mga doktrina ng NPA.

Inamin din nila na kasama sila sa mga pang-aambush sa probinsya.

Iisa naman ang tinuturong tao na nag recruit sa kanila, ito ay si commander Ivar.

Kaugnay nito, sinabi ni kay PCOL Romano V. Cardiño, Provincial Director-Zambales na ang pagsuko ng mga terorista ay mas masasabing matagumpay.

“It is not the winning of many battles but on how to subdue your enemies without having to fight with them that matters most,” saad nito.

Ang mga surrenderree ay makatanggap ng tulong mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng E-clip o Enhanced – Comprehensive Local Integration Program.

Dagdag pa ni Cardino, naging matagumpay ang E-clip para mahikayat Ang mga rebelde na magbalik loob sa pamahalaan.

“The E-clip program of the government has been very successful in enticing rebels to return to the folds of the law,” ang pahayag ng heneral.

More in National News

Latest News

To Top