5th SONA ni Pang. Duterte, asahang may dalang pag-asa – Sen. Bong Go

5th SONA ni Pang. Duterte, asahang may dalang pag-asa – Sen. Bong Go

National News

Sinabi ni Sen. Bong Go na ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes ay magdadala ng mas magandang kinabukasan para sa mga Pilipino sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Inaasahan din ng senador na magbibigay ng konkretong plano at panukalang palakasin ang pagsisikap ng pamahalaan na malampasan ang nagpapatuloy na krisis at sa socio-economic recovery.

Ang pangunahing mahalaga rin aniya ngayon ay mapataas ang kapasidad ng healthcare system sa bansa.

Inaasahan din sa Duterte administration ang patuloy na pagsusumikap upang matupad ang kanyang mga pangako para sa ikabubuti ng lahat ng mga Pilipino.