Connect with us

57 lugar sa NCR, nakasailalim sa granular lockdown – DILG

Nakasailalim sa granular lockdown ang 57 lugar sa NCR, isang araw matapos simulan ang pilot implementation ng bagong alert level system.

Metro News

57 lugar sa NCR, nakasailalim sa granular lockdown – DILG

Nakasailalim sa granular lockdown ang 57 lugar sa National Capital Region (NCR), isang araw matapos simulan ang pilot implementation ng bagong alert level system.

Batay ito sa ulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya sa Laging Handa public briefing.

Ayon kay Malaya, halos lahat ng Local Government Units sa Metro Manila ay may granular lockdowns.

Gayunman, hindi na binanggit ni Malaya ang listahan ng mga lugar na naka-lockdown.

Samantala, sinabi ng DILG official na nasa kamay na ng mga LGU kung magbibigay muna ng babala o agad na ipatutupad ang lockdown sa kani-kanilang nasasakupan.

Ang Metro Manila ay kasalukuyang nasa Alert Level 4.

More in Metro News

Latest News

To Top