Connect with us

54 na runaway maids sa Dubai, inaresto ng pulisya sa panahon ng Ramadan

54 na runaway maids sa Dubai, inaresto ng pulisya sa panahon ng Ramadan

International News

54 na runaway maids sa Dubai, inaresto ng pulisya sa panahon ng Ramadan

Binalaan ni Colonel Ali Salem, Director ng Department of Infiltrators ng Dubai police ang mga miyembro ng komunidad lalo na ang mga pamilya laban sa pagtanggap ng mga kasambahay na tumakas lang sa kanilang amo.

Ito ay kasunod ng pagkakaaresto sa 54 na kasambahay na may iba’t ibang nasyunalidad na tumakas sa kanilang mga amo mula noong magsimula ang Ramadan.

Ani Salem, tumataas ang bilang ng mga domestic workers na lumalabag sa batas na maaaring magdulot ng peligro dahil maaari itong gumamit ng pekeng pangalan sa pamilya na kanilang pinagtatrabahuan.

Kaugnay nito, hinimok ng Dubai official ang mga residente na huwag tumanggap ng mga runaway maid dahil maaari silang magdulot ng problema sakaling may mangyayaring krimen.

Hinimok din nito ang publiko na iulat sa awtoridad ang mga kasambahay na lumalabag sa batas.

 

Continue Reading
You may also like...

More in International News

Latest News

To Top