Connect with us

50 solar-powered core shelters, itatayo sa Maguindanao

Nakatakdang itayo sa lalawigan ng Maguindanao ang 50 solar-powered core shelters o pabahay sa ilalim ng pangangasiwa ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao  (BARMM).

Regional

Ayon kay Deputy Project Manager Abdulnasser Usman, ang naturang pabahay na nagkakahalaga ng ₱23 milyon ay itatayo sa sitio Tamigin, barangay Tariken sa Sultan Mastuera, Maguindanao.

Bahagi aniya ito ng ‘Kapayapaan sa Pamayanan’ o Kapyanan project ng BARMM na layuning maisulong ang estado ng pamumuhay sa mahihirap na lugar ng rehiyon.

Inihayag naman ni Usman na ang mga makabenepisyo sa naturang pabahay project ay ang mga nawalan ng tahanan o ang mga naapektuhan sa giyera sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at ng mga rebeldeng Muslim noon.

Target naman itong matatapos sa Disyembre ngayong taon.

More in Regional

Latest News

To Top