Connect with us

50 health workers mula sa Visayas, ipapadala sa Metro Manila

Magpapadala ng Department of Health (DOH) ng 50 health workers mula sa Visayas patungong Metro Manila para mapunan ang kakulangan ng health workers sa National Capital Region.

National News

Matatandaang, humihingi ng tulong sa gobyerno ang mga ospital sa Metro Manila at Calabarzon dahil full capacity na ang mga ito bunsod ng paglobo ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay DOH Region 7 Chief Pathologist Dr. Mary Jean Loreche, ang ipapadalang mga health worker ay idedeploy sa iba’t ibang mga government facility sa Metro Manila.

Aniya, makatatanggap ang mga ito ng basic at premium pay na may special risk allowance at iba pang benepisyo.

Nagpaalala naman si Health Secretary Francisco Duque III sa mga health worker na kailangan pa rin ng mga ito na mag-ingat dahil hindi aniya garantiya ang bakuna para hindi na mahawaan ng virus.

More in National News

Latest News

To Top