Connect with us

5 potential COVID-19 vaccine maker, nais magsagawa ng clinical trials sa bansa

Aabot sa 5 manufacturer ng potential COVID-19 vaccine products ang nagpahayag na ng interes na magsagawa ng clinical trials sa Pilipinas.

National News

Sa public briefing, inihayag ni Food and Drugs Administration (FDA) director general and Health Undersecretary Eric Domingo ang bentahe o advantage ng pagsasagawa ng clinical trials sa Pilipinas.

Kaugnay nito, sinabi ni Domingo na naendorso na sa FDA ng vaccine expert panel ng Department of Science and Technology ang isa sa mga potential vaccine, ang Sinovac ng China.

Kasalukuyan na aniya itong ini-evaluate para sa pag-apruba sa clinical trial nito sa bansa.

Oktubre nang sinabi ng DOST na ang Sputnik V, Janssen, Sinovac, at Covax-19 ay nais magsagawa ng clinical trial sa bansa.

Bukod dito, sinabi ni Philippine Council for Health Research Development Executive Director Dr. Jaime Montoya na marami pang bakuna na magsasagawa ng clinical trial sa Pilipinas sa ilalim ng World Health Organization solidarity trial.

More in National News

Latest News

To Top