Connect with us

5.6 magnitude na lindol, tumama sa Davao Oriental

Niyanig ng 5.6 magnitude na lindol ang Davao Oriental ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology dakong 8:00 ng umaga.

National News

5.6 magnitude na lindol, tumama sa Davao Oriental

Niyanig ng 5.6 magnitude na lindol ang Davao Oriental ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology dakong 8:00 ng umaga.

Ang epicenter ng lindol ay 67 kilometro sa Timog at 47 degrees sa Silangan ng Governor Generoso.

Ito ay tectonic in orgin at may lalim na 8 kilometro.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pagkasira sa mga gusali nguni’t maaring magkaroon ng aftershocks.

Samantala, sugatan ang 3 indibidwal sanhi ng 6.1 magnitude na lindol sa Makilala, Davao Del Sur makaraang niyanig ng magnitude 6.1  na ang Magsaysay, Davao del Sur kahapon dakong 12:22 ng tanghali.

Ito ang inihayag ni National Disaster Risk Reduction And Management Council.

Kaugnay nito, 8 bahay ang nasira sa M’lang at Cabacan sa Cotabato, tatlo ang lubhang napinsala at lima ang bahagya lamang.

Bukod pa rito, 2 simbahan sa Sultan at isang ospital sa Isulan, Sultan Kudarat ang nasira sa lindol.

Ito ay ayon naman sa City Disaster Risk Reduction and Management Council sa Kidapawan.

Bukod pa rito, apektado rin ang mga suplay at linya ng kuryente sa Davao del Sur.

Wala namang naitalang major damage sa mga lugar na tinamaan ng naturang lindol.

Sa ngayon, patuloy na minomonitor ng Office of Civil Defense Region 11, Department of Public Works and Highways at DRRMC ang sitwasyon sa lugar.

More in National News

Latest News

To Top