Connect with us

5.3 milyong pirma para sa RevGov, iaakyat sa opisina ni Pangulong Duterte

Pormal nang iaakyat sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa 5.3 milyong petition signature na nakalap  ng grupong Peoples National Coalition para sa pagsusulong ng revolutionary government o RevGov.

National News

Ayon sa grupo, sapat na anila ito upang ideklara ang revolutionary government sa bansa.

Sa pahayag ni Datu Basher Bong Alonto, muslim affairs at NCR Chairman Ong Ayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), hindi naging hadlang ang pandemiya upang makuha ng mga ito ang pabor ng maraming Pilipino tungo sa kanilang hangarin na pagbabago sa sistema ng pamamahala sa bansa sa ilalim ng revolutionary government para naman sa mabilis na pagsusulong ng federalismo.

Kaugnay nito, opisyal ding idineklara ng nasabing koalisyon ang revolutionary government matapos makuha ang 5.3 milyong pirma mula sa mga miyembro nito sa buong bansa.

Sa ilalim nito, naniniwala sila na magkakaroon na ng sapat na katugunan ang bansa sa kasalukuyang problema na kinakahaarap ng bansa gaya ng korapsiyon, kakulangan sa trabaho, hanapbuhay, problema sa iligal na droga, terorismo at kriminalidad, at pagbabago sa usaping politikal.

More in National News

Latest News

To Top