Connect with us

440 provincial bus, makakabiyahe na sa Dec. 24

Makakabiyahe na ang mahigit 400 provincial public utility bus (PUBS) sa Disyembre 24, bisperas ng Pasko.

National News

440 provincial bus, makakabiyahe na sa Dec. 24

Makakabiyahe na ang mahigit 400 provincial public utility bus (PUBS) sa Disyembre 24, bisperas ng Pasko.

Ito ay dahil magbubukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 5 ruta para sa 440 PUBS na bibiyahe sa ilang probinsya.

Kabilang sa magbubukas na ruta ang Baguio-Mariveles, Bataan; Baguio City – Olongapo, Zambales; North Luzon Expressway (NLEX) – Baguio City; NLEX – Laoag City, Ilocos Norte at NLEX – Pagudpud, Ilocos Norte.

Ayon sa LTRFB, maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVS na may valid at existing certificate of public convenience (CPC) o application for extension of validity, at kinakailangang naka-rehistro sa personal passenger insurance policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa memorandum circular.

Bilang kapalit ng special permit (SP), mayroong QR code na ibibgay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV.

Maaring madownlad ang QR code sa official website ng LTFRB (https://ltfrb.gov.ph/).

Kailangan namang sumunod ang mga pick up at drop off terminals ng mga naturang bus sa health at safety protocols bago payagang mag-operate ng local government units.

Nagpaalala naman ang LTFRB na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang provincial pub, maliban na lang kung ipag-uutos ito ng ahensya.

Bukod dito, kinakailangan sumunod ng mga PUV sa mga alituntunin ng IATF at Local Government Units kaugnay ng health protocols bago sila makabiyahe.

 

More in National News

Latest News

To Top