Connect with us

43 opisyal ng PhilHealth, nagbitiw na sa pwesto at nagretiro

Dinagdagan pa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang coverage para sa hemodialysis sessions mula sa 90 patungong 144 sessions.

National News

43 opisyal ng PhilHealth, nagbitiw na sa pwesto at nagretiro

Nagbitiw na sa pwesto ang nasa 43 Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) officials.

Ito ay bilang tugon sa ipinalabas na kautusan ni Philhealth President at CEO Atty. Dante Gierran kung saan pinagbibitiw nito sa pwesto ang mga opisyal mula sa salary grade 26 pataas upang linisin ang health ensurer sa bansa.

Isinumite na ng nasa 27 na senior officers ang kanilang resignation habang 16 naman ang nagpahayag ng pagreretiro.

Mula naman sa central office ng PhilHealth sa Metro Manila ang 21 officers habang ang 6 ay mula sa regional offices.

Kabilang naman ang 10 opisyal mula sa central office ang magretiro habang 6 ang nasa probinsiya.

Maaalala na binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng direktiba si Gierran upang linisin ang PhilHealth hanggang sa buwan ng Disyembre bago ito desisyunan kung i-abolish ito o isa-pribado.

Sa kasalukuyan ay patuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon laban sa nasabing ahensiya dahil sa korupsiyon.

More in National News

Latest News

To Top