2 tripulante ng MV Diamond Princess, nagpositibo sa COVID-19

40 panibagong kaso ng coronavirus, naitala sa cruise ship sa Japan

International News

Nagtala ng panibagong 40 kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) ang Diamond Princess Cruise Ship na nakadaong sa Yokohama Port sa Japan.

Kabilang sa mga apektado ang isang quarantine officer na sumakay ng barko upang tumulong sa quarantine operations.

Ayon sa Japanese Ministry of Health ay sinusunod na nila ang disembarkation protocols para gamutin ang mga panibagong kaso.

Sa ngayon ay umabot na sa 175 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa nakaquarantine na cruise ship habang nakatakda naman na magtapos ang quarantine schedule nito sa Pebrero 19.